Tambak na kaso sa Korte Suprema lulutasin

PARA malutas na ang problema ng mga tambak na kaso sa Korte Suprema kaya isinusulong ang pag-amyenda sa Rules of Court.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, seryosong kinukunsidera ng Korte Suprema ang pag-amyenda sa rules of court, gayundin ang mga mungkahi kung paano tutugunan ang mga tambak na kaso sa mga hukuman at ang pagpapahusay sa umiiral na criminal justice system sa bansa.

Katunayan, nakausap umano niya sa isang pagpupulong si Associate Justice Roberto Abad, namumuno ng Sub-Committee on the Revision of Rules, at hiniling ang tulong ng DOJ kaugnay ng nasabing plano.

Ilan sa mga panukalang amyenda ay ang pagbabawas ng bilang ng mga pagdinig sa dalawang preliminary hearing na tututok sa mga factual issue at pagdaraos ng adjudication hearing at pagpapahusay ng evidentiary standard bago tuluyang iakyat sa korte ang mga kasong kriminal.

Ayon kay de Lima, nang dahil sa mahinang panuntunan sa ebidensya na pinaiiral sa preliminary investigation, tumatambak tuloy ang mga kaso na inihahain sa mga korte.

Dahil dito, kinakailangan aniyang sa lebel pa lamang ng mga prosecutor ay matiyak nang matitibay ang mga ebidensya bago umakyat sa mga korte na inaasahan namang magbibigay daan sa mataas na conviction rate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply