‘Tampo’ ni Harris, ibinunton sa Gin Kings

IBINALING ni Tropang Texter import na si Paul Harris ang tampo sa pagkabigo na hindi nakuha ang Best Import of the Conference Award sa PBA Commissioner’s Cup na nasungkit ni Nate Brumfield ng Ginebra Gin Kings sa awards night kasabay na 4th game sa Araneta Coliseum.

Sa gitna ng tinatayang 12,300 PBA fans, nagpasabog ng 26 puntos si Harris tungo sa pagsungkit ng Tropang coach, Chot Reyes, ng 91-84 na 3rd win ng Texters laban sa isang panalo ng Barangay Ginebra sa Best-of-7 finals.

Ang TNT captain ball at point guard na si Jimmy Alapag ang tinanghal na Best Player Awardee. Pinalo niya sa prestihiyosong parangal sina Gin King spitfirish Mark Caguioa, Joe Devance at LA Tenorio ng Alaska Aces, Marc Pingris ng B-Meg Derby Ace at ang ka-teammate na si Kelly Williams.

Sisikapin ng Talk N Text na makuha na ang kampiyonato sa laro bukas, Biyernes, alas-siyete ng gabi sa Big Dome na tinitiyak ni Gins coach, Joseph Uichico, na pipilitin nilang ma-extend ang laro.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply