Tanggal sa trabaho, tatay nagpakamatay

UMABOT sa punto ng pagpapakamatay ang isang ama dahilan ng kahirapan sa buhay, dagdag pa ang pagkakatanggal sa trabaho kaninang madaling araw sa loob ng kaniyang tahanan sa NBBS, Navotas City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng kanyang pagpatiwakal ay nakilalang si John Roldan Garcia, 32, may asawa at dalawang anak, dating kawani ng Discipline Task Force ng City government, ng 26, Alapaap St., Northbay Boulevard South, ng nasabing lungsod.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Edwin Guzman, ng Station Investigation Division ng Navotas police, dakong alas-kuwatro kaninang madaling araw nang matagpuan ang nakabitin na katawan ng biktima at walang nang buhay sa loob ng kanilang tahanan.

Ayon sa ulat, masyadong dinamdam ng biktima ang pagtanggal ni Navotas Mayor John Rey Tiangco kay Garcia sa trabaho.

Dahil sa walang mapakain sa kanyang pamilya, nagpasyang kitilin na lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtali ng nylon cord sa leeg at itinali sa biga ng kanilang bahay.

Nabatid na si Garcia ay matagal nang nakatalaga umano bilang tagapagpatupad ng Task Force panahon pa ni dating Mayor Toby Tiangco, subalit ito lamang na panahon na ni Mayor Tiangco ay inirekomenda ng kanyang superior na si Cole Jordan na tanggalin sa trabaho ang biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa iba pa o tunay na motibo sa pagpapatiwakal ni Garcia.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply