Tapyas presyo sa LPG ikakasa ng LPGMA

MATAPOS ang pagtatapyas sa presyo ng produktong petrolyo ay nagpahayag na rin ang Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) ng pagbabawas sa presyo ng produktong LPG.

Ayon kay LPG Marketers Association Partylist Rep. Arnel Ty, wala nang magiging rollback sa presyo ng LPG ngayong buwan subalit siguradong muli silang mag-aanunsyo ng bawas presyo sa Hunyo at ang halaga na lang ng rollback ang kanilang hinihintay dahil nakadepende ito sa presyo sa susunod na linggo sa world market.

Nauna rito, unang nagpahayag ng roll back ang ilang independent oil players dahil patuloy umano na sumasadsad ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan

Bukod sa sumadsad ang presyuhan sa pandaigdigang merkado,  marami rin ang suplay ng petrolyo at paghina na rin ng ekonomiya ng America at China.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply