Tatay binaril ang sariling anak na adik sa rugby

ISANG durugistang anak ang pinatay mismo ng sariling ama sa loob ng kanilang tahanan matapos na hindi makayanan ng huli ang ginawang pananakit ng una kahapon sa Bagong Silang, Navotas City.

Ang biktima na namatay mismo sa pinangyarihan sanhi pagkawasak ng dibdib dahil sa tama ng sumpak ay nakilalang si Bryan Tabiana, 22, may asawa, isang anak at nakatira sa kahabaan ng Block 6, Bagong Silang, Barangay San Jose ng nasabing lungsod.

Ang suspek na agad namang naaresto ng mga tauhan ni Sr. Supt. Florendo Quebuyen, hepe ng Navotas police, ay nakilalang si Romeo Tabiana, 50, tatay ng biktima, residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Joseph Privido, ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, na dakong alas-3:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob mismo ng kanilang tahanan sa nasabing lugar.

Base sa salaysay ng saksing si Marissa Tabiana, 39, asawa ng suspek, marahil napuno na sa galit at poot ang kanyang asawa matapos itong awayin at paluin ng dos por dos na kahoy ng anak nang magkaroon ng pagtalo.

Aminado ang suspek na problemado siya sa kanyang anak dahil sa pagiging sugapa nito sa ‘solvent’ o rugby. Pag nakaksinghot na ito umano ay inaaway na lahat, pati mga kapatid ay sinasaktan pa.

Nabatid na bago maganap ang insidente ay katatapos lamang ng pagsinghot ng rugby ang biktima at kinumpronta ang tatay nito na humantong sa pamamaril.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong at nakatakdang sampahan ng kasong parricide sa piskalya ng Navotas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply