Tatlong senador at ang oil price hike

KAILAN ba ang mga eleksyon na tatama sa tatlong senador na maiingay kaugnay ng oil price hike ng mga kompanyang langis? Ang susunod kasing halalan ay gaganapin sa 2013 habang ang isa ay sa 2016.

Ito ang mga senador na nag-iingay, mga Bro.

Dalawa ang pinakahuling hindi nanghihinayang na tumalsik ang kanilang mga laway ukol sa OPH na umabot sa P10 kada litro simula noong magkagiyera sa Libya.

Yung isa ay walang habas sa pagsasalitang walang panloloko o pandaraya sa OPH. Katwiran ng senador na ito, ang Oil Deregulation Law ang dahilan. Sky is the limit sa OPH o kaya sa Oil Price Reduction ang itinatadhana ng batas.

Kung gaano kalaking halaga ang gusto ng mga kompanyang langis na dagdag-presyo o bawas-presyo, yun ang masusunod. Walang overpricing ang oil companies sa madaling salita, kaya wala silang kasalanan kahit na magkandaletse-letse ang buhay sa mahal kong Pinas.

Sino siya, mga Bro?

Pupuwede na bang kalimutan ang ngalan nito sa balota o sa PCOS machine?

oOo

Ang isa namang senador ay nagpapakita ng reklamo. Sabi, totoo ngang nagro-rollback ng presyo ang mga kompanyang langis, kulang na kulang naman.

Nagmura na umano ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at dapat na tumbasan umano ng OPR sa Pilipinas. Pero hindi ginagawa ito ng oil companies.

Ano ang masasabi natin sa senador na ito sa halalang doon siya hihiling ng re-eleksyon?

oOo

Bago nag-ingay ang naunang dalawang senador, may isa pa na nauna nang pumutak sa overpricing ng mga kompanyang langis. Nasa P6 kada litro ang sinasabi nitong overpricing.

Nanatili ang salita niyang ito subalit nang sabihin ng Department of Energy ni Pnoy na maaaring nasa P3 lang ang problema at sa huli ay “walang overpricing” at wala tayong magagawa, parang nasiperan na ang bunganga ng senador.

oOo

Mayroong komon na nakikita sa mga senador na ito: alam nilang may problema tayo sa Oil Deregulation Law dahil sa sobrang kalayaan na ibinibigay nito sa mga kompanyang langis…
pero wala ni isa sa kanila yata ang naghahain ng panukala para amyendahan o ganap na ibasura ang nasabing batas.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply