Taxi driver binoga ng nakagitgitan sa trapiko

SUGATAN ang isang taxi driver matapos barilin ng isang driver ng motorsiklo na nakagitgitan nito Sabado ng umaga, Mayo 28, sa Makati City.

Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Maynila bunga ng tama bala sa kaliwang braso ang biktimang si Noel Evangelista, 41, ng 410 A. Elma st., Marick Subdivision, Cainta, Rizal.

Samantala ang ‘di pa kilalang suspek ay tumakas sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Osmeña at Quirino Highway dala ang baril na ginamit sa pamamaril.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Ronaldo Villaranda, ang insidente ay naganap dakong alas-2:00 ng medaling araw habang minamaneho ng biktima ang kanyang kulay puting Toyotal Corolla taxi (TXB-797) sa kahabaan ng Osmeña Highway.

Patungong Buendia ang taxi driver lulan ang mag-asawang pasahero nang makagitgitan ang isang driver ng motorsiklo sa panulukan ng Buendia at Osmeña.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa at bumunot ng baril ang supek bago pinaputukan ang biktima na tinamaan sa kaliwang braso.

Sa pag-aakalang malubha ang tama ng bala ng biktima, agad na tumakas ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng awtoridad. Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply