Temperatura ng panahon pumalo sa 39.2

NAITALA ang pinakamainit na temperatura ng panahon kahapon sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija kung saan pumalo ito ng 39.2 degree Celsius.

Ayon kay weather forecaster Benjie Depaz, ito na ang pinakamainit na temperatura ngayong taon.

Matatandaang, inulat ng PAGASA ang posibilidad na umakyat sa 40 degree Celsius ang temperatura ngayong summer season.

Nabatid na naitala ang 36.5°C sa Clark, Pampanga samantalang saTuguegarao City sa Cagayan naman ay nagtala ng 39.0 °C habang sa Metro Manila, ay umabot sa 35.6 degree Celcius ang init ng panahon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply