Tensiyon sa Palasyo sa pagpasok ni ‘big president’

YAMAN din lang na pasok na sa Palasyo si dating Senador Mar Roxas bilang Presidential Chief of Staff, may political analysts ang nagsasabi na hindi malayong magkaroon ng tensiyon sa Malacañang sa mga unang buwan ng panunungkulan ng talunang ka-tandem ni Pangulong Noynoy Aquino sa 2010 presidential elections.

Bago pa man mapaso ang ban sa pagkakaroon ng puwesto sa gobyerno ng mga talunang kandidato sa nakaraang halalan, todo-paliwanag na agad si PNoy sa napipintong pagpasok ni Roxas. Kung walang sapawan, bakit nagkakapaliwanagan?

Inaasahan noon pa man  na magkakaroon ng bangayan sakaling mapabilang si Roxas sa Gabinete ni PNoy. Matagal na kasing ibinibintang ng mga taga-Liberal Party na inilaglag umano ni Executive Sec. Paquito Ochoa si Roxas (pabor kay V-President Jojo Binay) noong nakaraang eleksyon.

Ang sabi ni dating Senate President Ernie Maceda, “Kung si Ochoa ang Little President, pumupustura naman si Roxas bilang Big President.”

Pero lumalabas na panig si Maceda kay Ochoa sa naging pahayag nito sa telebisyon.
Sinang-ayunan din ito ni Albay Gov. Joey Salceda (Chief of staff ni ex-PGMA) ang pahayag ni Maceda. Ani Salceda, noong panahon ni GMA ay dumaraan siya lagi kay ES Eduardo Ermita.
Papayag kaya si Roxas na magpasailalim sa pamumuno ni Ochoa lalo’t isinisisi ng kanyang LP kay Ochoa ang kanyang pagkatalo dahil sa sinuportahan umano nito ang tambalang Noy-Bi?

Hinihiling ng taumbayan kay Roxas na magtrabaho muna siya bago ang sarili at iwaksi ang personal na paghihiganti sa mga taong pinagkakatiwalaan ni PNoy gaya nina Ochoa at Binay.
Si PNoy ang naiipit sa pangyayari at pilit nitong binabalanse  sa magewang na sitwasyon ang mga kaganapan sa iringan ng dalawang mga pinagkakatiwalaan ni PNoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply