3-taong termino ng AFP chief nakaamba

INAPRUBAHAN na ng Senate committee on national defense and security ang panukalang itakda sa tatlong taon ang termino ng bawat maitatalagang chief of staff sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mawala ang pulitika sa militar.

Sa panayam, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng komite, na nagkasundo ang mga miyembro ng komite na itakda sa tatlong taon ang termino ng AFP chief kahit malapit na sa mandatory retirement age na 56 ang maitatalaga upang magawa nito ang gustong gawin sa AFP.

“We have resolved that there will be a fixed term of tenure for the chief of staff, and the fixed term will be three years. Then the major service commanders won’t be disqualified and will therefore be eligible to be appointed as chief of staff even if they have served for more than one year,” paliwanag ni Lacson.

Sinabi ni Lacson na matatanggal lamang sa puwesto ang sinumang naitalagang chief of staff kung mawawalan na ng pagtitiwala ang appointing authority, ang Pangulo ng bansa na siya ring commander in chief ng AFP.

Naniniwala si Lacson na kung ganito ang magiging sistema sa AFP, unti-unting mabubura ang pamumulitika sa militar at malulusaw ang revolving-door policy sa pagtatalaga ng AFP chief.

“Made-depoliticize yung military kasi ang nangyayari at saka mawawala na ‘yung revolving-door policy kasi ang nangyayari ang na-aappoint na chief of staff ang naiiwan na lang na time niya ay minsan 4 months 5 months,” aniya.

“So, ang  nangyayari the President  can appoint as many chief of staff and the chief of staff who only serves as chief staff for only three months or six months wala nang magagawa kundi magplano, wala na siyang maiimplement,” dagdag paliwanag ni Lacson.

Nakatakda nang ihain sa plenaryo ang panukala upang pagdebatehan at tuluyan nang maisabatas upang makatulong sa nais na propesyunalismo sa AFP.

“So, this will, once institutionalized, because of the enactment of this bill into a law. Then, probably. we will help better professionalize the AFP,” giit ni Lacson.

Dalawang taon naman ang fixed term na isinama sa panukala para sa lahat ng service commander.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply