Testigo sa pagpatay sa pulis lumantad na

HAWAK na ngayon ng pulisya ang ilang mga testigo na makakapagturo sa suspek na bumaril at nakapatay sa kagawad ng Paranaque Police na nanguna sa pagtataboy  ng mga illegal vendors sa Baclaran noong Miyerkules ng gabi, Mayo 11, sa Paranaque City.

Mariin namang kinondena ni Paranaque City Mayor Florencio Bernabe, Jr. ang pa-traydor na pagpatay kay PO3 Maphilindo Prades, nakatalaga sa Special Operations Group (SOG) ng Paranaque Police na nagtamo ng tama ng bala sa batok na tumagos sa kaliwang bahagi ng kanyang noo.

Sinabi ng alkalde na naglaan na rin siya ng pabuyang P.2 milyong piso sa sinumang makapagtuturo o makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng salarin na magiging dahilan ng pagkakadakip nito.

Ayon sa alkalde, kabilang sa mga illegal vendors na naapektuhan ng isinasagawang clearing operations ang pumaslang kay Prades batay sa pahayag ng mga nakasaksi sa pagpatay.

Masyado aniyang mapangahas ang ginawang pamamaslang sa pulis, na pauwi na sana matapos pangunahan ang clearing operation dahil isinagawa ang krimen sa mataong lugar at sa mismong araw pa ng pamamanata ng mga deboto sa simbahan ng Our Lady of Perpetual Help.

Kaugnay nito’y kaagad namang iniutos ni Paranaque Police chief Sr. Supt. Nestor Pastoral ang pagsibak sa puwesto kay Police Community Precinct (PCP) 1 commander Chief Insp. Abraham Gabuna na nakakasakop sa Baclaran area matapos mabigong ipabatid kaagad sa headquarters ang krimen at pansamantalang ipinalit bilang officer-in-charge si Insp. Teodoro Papa. Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply