Tinatamad pa kasi

HINDI naman maisisiwalat dito na pulos mga titik sa paawit na usapan ang binubuno sa kasalukuyan, gustong bumuo ng dula na pawang tula ang ilandang ng usapan.

‘Yoko ng sarzuela na meron pang prosa, mas masaya na pulos awitin na lang—lalo’t ang paksa’y kung bakit sa 32 daw na mga peryodista na niratrat umano ng bunso sa naghaharing angkan sa Maguindanao, wala man lang kahit isang umigkas ang katawan… nakipagsabayan ng kahit kaldag ng kamao o haplit ng talampakan sa lalamunan ng tumigok sa kanila… todas kung todas para masasabing kaya nang pumarehas.

Ba’t pulos lang cellular phone ang bitbit nila sa katawan? Hindi ba sila marunong pumutok? Hindi ba sila nagsanay lumaslas ng lalamunan o tumastas ng brachial artery? Hanggang sa sulat at ulat lang ba sila?

An’saya siguro kung kahit sa magic realism lang, maipapakita na may mga manunulat na kumakasa’t puputok pa… full automatic mode.

An’saya talaga kung kahit sa pamamaraan ng magic realism, sampigahin sa lalamunan ang mga mambabasa sa Pilipinas… we have the readers’ numbers as they hit themselves in on whatever online newspapers ply out… matagal na nating alam na pinakasikat na kolumnista na sinusubaybayan ng sangkatutak na Penoy bugok saanmang kipay at kili-kili ng daigdig ang isang nagngangalang Dolly Ann Carvajal.

Talagang tsismis lang sa pelikula’t telebisyon ang tinututukan ng sambayanang Pilipitna, kaya wala pa ring mangyari kahit ilampaso’t ihampas ang buong katawan sa matuwid na daan, mwa-ha-ha-ha-haw!

Matagal na nating alam na ang talagang sinusubsuban, sinusubaybayan at binabasa ng online readers natin sa pahayagang ito, ‘yung tungkol sa kalaswaan, kahalayan, kalibugan, pwe-he-he-he-he!

An’tagal na nating alam na wala naman talagang pakialam sa kapakanan o kahihinatnan ng bansa ang pinakamalaking bilang ng populasyon… kaya ‘yung 32 peryodista na nagsadya pa sa teritoryo ng mga Ampatuan sa Maguindanao para magsulat ng ulat hinggil sa tagisang Amapatuan-Mangudadatu sa pulitika, nagsayang lang sila ng panahon…

But that’s a heck of a monstrous abomination on November 23, 2009 snuffing out the lives of 23 reporters at one go… pinayuhan nga tayo na h’wag daw munang sulatin dahil ni hindi pa tapos ang nakasampang kaso sa mga pinaghihinalaang kapural ng mass murders. At talagang walang kahihinatnan ang usaping nakasampa sa hukuman—marami pang galamay ang panginoong angkan na kasalukuyang malaya’t nakikipaglaro pa nga ng basketbolahan sa militar… at lalong marami pang milyones na nakatago ang panginoong angkan, matutustusan at masusupalpalan ang kanilang mga alalay at tagapagtanggol sa usapin saanmang hukuman.

Tinatamad pa po akong sumulat at tumalakay ng mga kuntil-butil na usapin, lalo na ngayong nakasalang na naman sa halos walang humpay na daloy ng mga balita mula sa iba’t ibang lalawigan… mga balita na pinaghihirapang likumin, pagyamanin…

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply