Tinawag na supot ng kainuman nanaksak

KULONG ang isang lalaki matapos manaksak ng kainuman nang tuksuhin siyang supot sa Navotas.

Kinilala ang suspek na si Epifanio De Guzman, 57, ng Bayside, Daanghari, nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa katawan si Marino Balansag, 38, kalugar ng suspek.

Batay sa ulat, dakong 11:30 ng gabi, nag-inuman ang biktima at suspek kasama ang ilang kapitbahay sa tapat ng bahay ni De Guzman nang magbiruan ang mga ito.

Biniro ng biktima ang suspek na supot na ikinagalit ni De Guzman dahilan para kumuha ng patalim at sinaksak si Balansag.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa JRMMC habang nadakip naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply