Tindahan inararo ng trak, 4 dedo

APAT katao ang nasawi makaraang araruhin ng trailer truck ang isang tindahan nang mawalan ng kontrol sa kahabaan ng Gapan-Olongapo road.

Kinilala ang mga biktimang sina Michael Isip, 33; Jason Miranda, 24, bagong graduate ng kursong nursing; Marilyn Miranda, 45, nanay ni Jason; at isang hindi pa napapangalanang biktima.

Nabatid na binabagtas ng truck na minamaneho ni Lauro Berde ang Gapan-Olongapo road bandang alas nuwebe kagabi nang bigla itong magpreno subalit dahil sa dulas ng kalsada at sobrang bilis nito ay umekis ito at sinalpok ang tindahan sa Brgy. Luwakan, Dinalupihan, Bataan kung saan kasalukuyang nagsisibili ang mga biktima.

Nagkalasug-lasog ang mga katawan ng biktima dahil sa lakas ng impact. Samantalang nasa himpilan na ng pulisya ang driver ng truck na kusang loob na sumuko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply