Tindahan nilooban ng 6 na armadong kalalakihan

TILA nalugi ang isang 23-anyos na lalaki matapos na tangayin ng anim na armadong kalalakihan ang  P33,000 na kinita ng kanyang sari-sari store sa Tondo, Maynila, iniulat May 10.

Base sa reklamo ng biktimang si Roland Gutierrez, may-ari ng Balingit Sari-Sari Store, sa Manila Police District –Police Station 2, dakong alas-dos ng tanghali, abala siya sa pagbabantay sa kanyang tindahan dumating ang anim na di nakilalang kalalakihan na sakay ng XRM at Honda motorcycle.

Pinasok ng mga ito ang tindahan at kinuha ang dalawang cell phone at ang nasabing halaga ng salapi. Hindi na nagawang manlaban pa ng biktima dahil armado ang mga salarin ng di mabatid na kalibre ng baril.

Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos na maisakatuparan ang pagnanakaw. Agad ding nagtungo si Gutierrez sa himpilan ng pulisya upang maghain ng reklamo.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply