Ting-ting vs Pnoy sa ARMM election

TUMITINDI at umiinit ang tensiyon sa nalalapit na Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) election sa Agosto 8, 2011 makaraang manindigan si dating Tarlac Gov. Margarita “Ting-ting” Cojuangco na hindi siya mapipigil sa pagtakbo ng kanyang pamangkin na si  Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Hayagang sinabi ni Cojuangco sa harap ng deklarasyon ng Pangulo na hindi pa niya papayagan na tumakbo ang kaniyang mga kamag-anak hangga’t ito ay nasa puwesto.

Si Cojuangco ay kandidato bilang bise gobernador ng ARMM at ang kaniyang gobernador ay si Pax Mangudadatu.

Hindi sang-ayon si Cojuangco na ipagpaliban ang ARMM elections dahil ang dating Pangulong Cory ay isinusulong ang demokrasya lalo na sa Mindanao.

Samantala ginagawa lahat ng Malacañang ang paraan para maipagpaliban ang eleksyon sa ARMM.

Magugunitang sa Agosto 8 na ang nasabing halalan pero hindi pa naipapasa ang panukalang batas na nakabinbin sa Kongreso.

Sinabi ng Pangulo na kumikilos sila para himukin ang mga senador na pakinggan at ikonsidera ang kanilang posisyon.

Ayon saPangulo, nagpadala mna sila ng emisaryo maging kay Sen. Bongbong Marcos na siyang chairman ng komiteng may hawak sa local government.

Handa umano sila na kausapin ang sinuman para maisulong lamang ang kanilang agenda at maisagawa ang inaasam na pagbabago sa ARMM.

Malalaman umano sa Martes o Miyerkules kung may tsansa ang ARMM postponement bill na makalusot sa Senado kapag nagsumite ng committee report si Marcos. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply