Title showdown ng AdU vs AdMU ngayong gabi

NAKAUMANG ang salpukan ng preseason cup choices Ateneo Lady Eagles at Adamson Lady Falcons sa ikalawang laro nila laban sa National University Lady Bulldogs at University of St. La Salle-Bacolod Lady Stingers, ayon sa pagkakasunod mamayang hapon sa The Arena sa San Juan City.

Una nang pinabagsak ng Lady Eagles at Lady Falcons ang NU Lady Bulldogs at USLS best-of-3 openers at kinakailangan na lang ang pagwawagi ngayong gabi para tuluyang maikasa ang kampiyunato ng dalawang paboritong volleybelle team na huling naganap sa title showdown noong 2008 First Conference.

Iginupo ng San Mercelino-based volleybelles ni Coach Dulce Pante ang Visayan team sa 3 straight sets na 25-19, 25-23, 25-22, samantalang itinala ng Katipunan-based tossers ang 25-27, 25-14, 25-10, 25-19 sa pagaalis ng pangil ng Sampaloc-based Lady Bulldogs noong Huwebes.

Ipaparada ngayong hapon ng Lady Bulldogs sina Dindin Santiago, Cherry Vivas at Monique Tiongco, habang sasandal muli ang Lady Eagles sa matatag niyang players na naglaro noong nakaraang championship game.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply