Titser na inabandona ng dyowa nagpatiwakal

NAGBIGTI sa sariling kumot ang isang guro nang iwanan ng kanyang nobyo sa Quezon City.

Hindi na umabot nang buhay sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si Rina Sebastian, 24, ng Road 9, Barangay Pag-asa.

Sa ulat ng Quezon City Police District- Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nadiskubre ang krimen dakong 9 ng gabi kahapon sa loob ng kuwarto nito.

Ayon sa ama ng biktima na si Rolando Sebastian, kaya nagpakamatay ang kanyang anak ay dahil hindi nito nakayanan ang pakikipagkalas ng kanyang nobyo noon pang nakaraang Semana Santa.

Simula aniya noon, hindi na ito masyadong lumalabas ng kanyang silid at wala na ring ganang makipagsalamuha sa kanila at sa kanyang mga kaibigan.

Sa kabila nito nagsasagawa pa rin ng  imbistigasyon ang  QCPD mara  masigurong walang foul play sa pagkamatay ni Sebastian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply