Tiyahin ni PNoy magbibitiw na rin sa ECDC

NAKATAKDANG magbitiw bilang kalihim ng Early Childhood Care and Development Council (ECDC) si dating Senator Tessie Aquino-Oreta sa susunod na buwan.

Ayon sa kampo ni Oreta, ang kanyang pagre-resign ay bilang pagsunod sa polisiya ng administrasyong Aquino na nagbabawal sa pagkakaroon ng magkakamag-anak na nakaupo sa gobyerno.

Si Secretary Oreta ay kapatid ng ama ni Pangulong Noynoy Aquino na si dating Senator Benigno Aquino Jr.

Matatandaang kamakailan lang ay nagbitiw din sa kanyang posisyon bilang presidente ng Philippine Public Safety College (PPSC) ang tiyahin ng pangulo na si Tingting Cojuangco, asawa ni businessman Jose “Peping” Cojuangco.

Kapwa nailuklok sa kani-kanilang posisyon si Oreta at Cojuangco noong administrasyong Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply