TNT, GSM walang bagong game plan

HANGAD ng Tropang Texters na makahinga ng maluwag sa pagtatala ng 3-1 slate habang target na itabla ng Gin Kings sa 2-2 ang finals game 4 ngayong alas-siyete gabi sa Araneta Coliseum.

Muling ipatutupad ni Tropang Texters coach Chot Reyes ang gameplan nila sa out-of-town route sa Barangay Ginebra, 104-88, na ginanap sa Puerto Princesa Coliseum noong Mayo 1.

Katulad ni Reyes, ang taktika ng Barangay Ginebra nang talunin nila ang texters, 108-106 sa Game 2 ang ipagagawa ni Coach Jong Uichico sa ikaapat na paghaharap ng dalawang finalist sa PBA Commissioner’s Cup sa Big Dome mamayang gabi.

Ang unang laro ay nakabig ng Tropang Texters, 102-83, na naitabla ng Gin Kings, 108-106, at ang third encounter ay muling nahablot ng PhonePals sa score na 104-88.

Masasaksihan ang gilas nina imports Paul Harris ng TNT at ng Gins na si Nate Brumfield na kapwa kandidato sa Best Import of the Conference Award sa gaganaping parangal bago magsimula ang Game 4.

Dito rin ihahayag ang tatanghaling Best Player of the Conference na kung saan pinagpipilian sina Jimmy Alapag, Kelly Williams at Mark Caguioa.

Balanse ang opensa ng mga bata ni Coach Chot na sina Jason Castro, Ranidel de Ocampo at Jimmy Alapag habang patuloy ang pagpapamalas ng husay nina Willie Niller, Mike Cortes, ang nagbabalik-larong si Eric Menk, Mark Caguioa at ang bagong rekrut na si John Wilson.

Malaking puhunan sa Talk N Text kapag nakuha nila ang 3-1 record na hindi naman pababayaan ng Barangay Ginebra sa paghahabol nito na maitabla ang serye sa 2-2.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply