Total overhaul sa penal system suportado ng mga senador

SUPORTADO nina Senators Gringo Honasan at Francis Pangilinan ang panukala ni Justice Secretary Leila de Lima na magsagawa ng “ total overhaul”  sa buong penal system sa bansa.

“I support the proposal of Secretary de Lima for a top-to-bottom overhaul of the BuCor organization. Clearly there is something terribly wrong with the existing set up and the reassignment or removal of a few personnel will not solve the problem,” ani Pangilinan.

Kasabay nito, hiniling din ni Honasan sa Department of Justice (DOJ) na lawakan pa ang imbestigasyon sa pagbibigay ng VIP treatment sa mga bilangguan sa buong bansa.

Ginawa ni Honasan ang pahayag matapos umalma si Maguindanao governor, Ismael Mangudadatu, sa pagbibigay diumano ng special treatment kay Andal Ampatuan, Sr. sa Bicutan, Taguig.

Ani honasan, dapat may managot sa pangungunsinti sa pamilyang Ampatuan na nililitis sa Maguindanao massacre.

Sinabi pa ng senador, chairman ng Senate committee on public information and mass media, hindi pa manghihimasok ang senado sa pag-iimbestiga sa nasabing expose ni Mangudadatu at ipauubaya muna ito sa DOJ.

Base sa expose ni Gov. Mangudadatu, may mga larawan siya na nakikipag-usap si Andal Sr. sa 13 guests sa isang basketball court sa labas ng prison building kasama ang asawa na gumagamit pa ng cellular phone at pagkakaroon ng masahista at kusinero sa loob.

Bukod dito, nakunan din umano na may movable aircon unit at internet router sa selda ng mga Ampatuan. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply