‘Totoy Bato’ kinatay ng Siete Bulabog Gang

PATAY ang isang alyas Totoy Bato matapos pagtulungang saksakin ng kalaban na Siete Bulabog Gang sa Malabon City, Lunes ng madaling-araw, Mayo 23.

Hindi na umabot nang buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan si Reymond Maico, 17 ng Phase 3, Gozon Cmpd., Tonsuya, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis sina Efren Macapugas, isang alyas Darrel; alyas Tata at ilang hindi pa nakikilalang miyembro ng Siete Bulabog Gang.

Sa ulat, alas-2:30 ng madaling-araw, habang nagpapatrulya ang tanod na si Gerramine Rede sa nasabing lugar nang makitang duguan na nakahandusay ang biktima.

Agad dinala ni Rede ang biktima sa PLM kung saan bago malagutan ng hininga ay nasabi nito ang mga pumatay sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply