Totoy patay sa kuryente

UTAS ang isang batang lalaki matapos makuryente habang naglalaro sa isang abandonadong junkshop sa Malabon City Biyernes ng hapon, Mayo 20.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Shawn Reynald Amor, limang-taong-gulang, residente ng Dumpsite, Sitio 6, Catmon ng lungsod.

Sa ulat, dakong 5:30 ng hapon, naglalaro sa ulan ang biktima kasama ang apat na kalaro sa isang abandonadong junkshop malapit sa kanilang bahay nang madikit sa isang bakal na may kuryente.

Nagkikisay ang bata na naging dahilan upang saklolohan at dalhin ito sa nasabing pagamutan.

Inaalam na ng mga pulis kung may pananagutan ang dating may-ari ng junkshop sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply