Towing truck helper pinagbabaril

PATAY ang isang towing truck helper matapos na pagbabarilin ng sakay ng kotse na kanilang hahatakin dahil sa illegal parking Sabado ng madaling araw, Mayo 7, sa Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Jomar Diza Atuli, 29, may asawa at residente ng Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Tumakas naman ang salarin sakay ng isang itim na Honda CRV na may plakang LIS-88 dala ang kalibre .45 na baril na ginamit sa pamamaslang.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling araw sa Saint Paul Drive cor. Meralco Avenue, Pasig City.

Nabatid na sakay ng kanilang towing truck ang biktima kasama ang driver at ilang pahinante nang mapansin ang isang itim na Honda Civic na may plakang  ZEC-395 na nakaparada sa “No Parking Zone” sa kahabaan ng Saint Paul Drive.

Agad na nilapitan ang nasabing kotse para hatakin nang galit na lumabas ang driver nito at nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga crew ng towing truck.

Habang nagtatalo ang dalawa ay lumapit naman ang kasama ng driver at agad na bumunot ng baril na nakasukbit sa kanyang bewang at pinutukan ang biktima at mga kasama dahilan para magkanya-kanya ng takbo ang mga ito.

Nagawa pang isugod sa Rizal Medical Center si Atuli at nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply