Trabaho sa Kongreso tututukan ni Pacman

NANGAKO si pound-for-pound king at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao na aalisin muna niya sa kanyang isipan ang boksing at itututok ito sa kanyang mga tungkulin bilang mambabatas.

Halos dalawang linggo matapos talunin ang boksingerong Amerikanong si Sugar Shane Mosley, sinalubong si Pacquiao ng parangal ng mga kasama sa Kamara de Representantes sa pamamagitan ng isang resolusyon nang muli itong dumalo sa sesyon.

Agad nagpasalamat ang Pambansang Kamao sa mga kapwa mambabatas dahil sa patuloy na pag-unawa ng mga ito sa kanyang mga pagliban at pagsuporta sa kanyang pakikipagsalpukan sa ring.

Tiniyak ni Pacquiao na haharapin niya ang kanyang trabaho bilang kongresista at isasantabi muna ang boksing.

Sa nabanggit na resolusyon, pinapurihan ang pandaigdigang kampeon ng boksing dahil sa kanyang pagsusuot ng dilaw na gloves bilang panawagan para sa kapayapaan, pagkakaisa at pagsugpo sa kahirapan sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply