Traffic enforcer, bebot utas sa boga

TIGOK ang isang traffic enforcer at ang umano’y kaulayaw nito matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa harapan ng grupo ng nag-iinuman sa isang eatery sa Zapote, kanto ng Mirasol St. Camarin Caloocan City, Miyerkules ng gabi.

Ang mga biktima, na nasawi sa mismong pinangyarihan sanhi ng mga tama ng baril, ay nakilalang sina Robert Gadang, y Magadeo,  53, alyas Bobby, traffic enforcer ng North Caloocan City Hall at residente  ng 2618 Capt. Rico St. at si Merelyn Doleche y Garin,  alyas Melyn, 27, residente ng Paulino Compound Barangay 174, Camarin ng nasabing lungsod.

Agad namang inatasan ni Senior Supt. Jude Welson Santos ang kanyang mga tauhan na hanapin at arestuhin ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin.

Ayon isinagawang imbestigasyon ni Sp02 Joselito delos Reyes ng Station Investigation Division ng Caloocan Police, dakong ika-9 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng Baby Eatery sa Zapote Rd. kanto ng Mirasol St., Camarin, Caloocan City.

Sa pahayag ng mga saksing sina Ramon Terrazola, 50, Philip Rey Pacariem, 37, at Liza Solis, may-ari ng eatery, kasalukuyang nagkakasayahan at nag-iinuman ang grupo na kinabibilangan ng mga biktima nang biglang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ng malapitan sa ulo sina Robert at ni Merelyn.

Matapos ang pamamaril mabilis sumakay ang salarin sa isang nag-aantay na motorsiklo at mabilis na tumakas palayo sa pinangyarihan.

Agad isinugod sa Bernardino General Hospital ang mga biktima subalit hindi na umabot pa nang buhay ang mga ito.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply