Trak vs motorsiklo: Buntis, kelot tepok

ISANG dalawang-buwang buntis at isa pa ang namatay makaraang salpukin ng 10-wheeler cement truck ang sinasakyan nilang motorsiklo kagabi, Mayo 3, sa Bulacan.

Ayon sa report ng dzBB, naganap ang aksidente sa national highway sa Bahay Pare village, Meycauayan, Bulacan.

Agad na namatay sina Romeo Villena, 34; at Aileen Navarro, 28, 2 buwang buntis.

Samantala, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang driver ng 10-wheeler cement mixer truck (UAR-895) na si Joselito Macavintas.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang naturang trak kung kaya sumalpok ito sa motorcycle na kinalululalan ng mga biktima.

Nabatid kay Meycauayan police head Superintendent Eric Noble, durog ang motosiklo habang nakaladkad naman ang katawan ng mga biktima ilang metro sa aktuwal na pinagsalpukan.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply