Travel alert ipinalabas para sa mamamayan ng US sa buong mundo

KASUNOD ng pagkamatay ng international terrorist leader na si Osama Bin Laben, nagpalabas ng travel advisory ang Estados Unidos para sa mamamayan nito laban sa pagbiyahe sa iba’t ibang parte ng mundo.

Base sa US State Department, posible ang anti-American attack pagkatapos na mapatay ng US forces si Bin Laden.

Pinayuhan din ng US government ang mga mamayan nito sa mga lugar na may kaguluhan na manatili sa kanilang bahay at mga tinutuluyan.

“Given the uncertainty and volatility of the current situation, U.S. citizens in areas where events could cause anti-American violence are strongly urged to limit their travel outside of their homes and hotels and avoid mass gatherings and demonstrations,” ayon sa US State Department.

Kaugnay nito, naka-alerto rin ang mga diplomatic missions ng US sa iba’t-ibang bansa dahil sa posibleng pagganti ng Al Qaeda, ang terrorist group na binuo ni Bin Laden.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply