Tricycle driver kritikal sa pananambang

KRITIKAL ngayon sa pagamutan ang isang tricycle driver matapos tambangan at pagbabarilin ito habang sakay ng kanyang minamanehong tricycle kagabi, May 10, sa Pasig City.

Kinilala ni Pasig City chief of police, P/Sr. Supt. Jessie Cardona, ang biktima na si Erwin Bartolome, 23, binata, ng 204 M.H. Del Pilar St., Barangay Palatiw ng nasabing lungsod.

Sa ulat, naganap ang pamamaril dakong alas-onse ng gabi sa M.H. Del Pilar, St.

Nabatid na sakay ng kanyang tricycle ang biktima papauwi galing sa pamamasada nang biglang sumulpot ang mga salarin at saka siya pinagbabaril.

Agad na tumakas ang mga salarin dala ang baril na ginamit sa pananambang at pagpatay sa biktima.

Isinugod naman ang biktima sa Pasig City General Hospital kung saan ito nilalapatan ng lunas at binigyan ng maliit na tsansang mabuhay.

Onsehan sa droga ang sinisilip na anggulo ng pulisya sa naganap na pananambang.

Matatandaan na ang Pasig ay isa sa mga siyudad na malaki ang problema sa droga sa Metro Manila matapos ang kontrobersiyal na shabu tiangge.

Nagsasagawa na nang masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung sino ang mga salarin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply