Tricycle driver pinagbabaril ng dating kaalitan, patay

NAMATAY habang ginagamot sa ospital ang isang tricycle driver matapos itong pagbabarilin ng kanyang dating kaalitan matapos magkaharap ang kanilang landas kahapon ng madaling araw, May 1, sa Purok 4 Caloocan City.

Ang biktimang namatay makalipas ang apat na oras na paggagamot ay nakilalang si Domingo Cabuang, 18, ng Block 39, Lot 4, Landaska Torcillo Dagat Dagatan ng nasabing lungsod.

Agad namang inatasan ni Sr. Supt. Jude Welson Santos, hepe ng Caloocan police, ang kanyang mga tauhan sa agarang ikadarakip sa suspek na nakilalang si Allan Pedroso, ng Purok 4, kalugar lamang ng biktima.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Alejandro Belledo, Jr. ng Station Investigastion Division ng Caloocan police, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Kawal St., Purok 4, Dagat Dagatan ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, matagal ng maroon dating alitan ang dalawa kung kaya’t nang magkita ang kanilang landas sa nasabing kalsada, agad nagbunot ng baril ang suspek at sunod-sunod na pinaputukan ang katawan ni Cabuang.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na baril, habang ang biktima naman ay dinala sa nasabing pagamutan. Ngunit makalipas ang apat na oras, nalagutan na ito ng buhay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at manhunt operation ng mga kaukulang awtoridad para sa agarang ikadarakip sa suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply