Trike driver itinumba sa terminal

PATAY ang isang tricycle driver makaraang barilin sa ulo ng hinihinalang kaalitan nito sa Quezon City, iniulat ng pulisya kagabi.

Kinilala ang biktima na si Joel Hibuc, 42, ng 36 Everlasting St, Barangay Commonwealth, na binawian ng buhay sa lugar ng insidente dahil sa isang tama ng bala ng kalibre. 45 sa ulo.

Pinaghahanap naman ng mga tauhan ng pulisya ang tumakas na suspek na tinatayang nasa 30 hanggang 40 anyos, may 5’4” ang taas, naka-maong–pants at nakasuot  ng t- shirts, kayumanggi at katamtaman ang pangangatawan.

Ayon kay SPO3 Peter WalaWala, desk officer ng Quezon City Police District station 6 Batasan naganap ang insidente dakong 8:00 kagabi nang maganap ang pamamaril sa IBP Road kanto ng Katipunan St., Brgy. Commonwealth.

Sinabi sa ulat na nakapila sa terminal ng tricycle ang biktimang si Hibuc nang sumulpot ang suspek  at binaril sa ulo ang una saka tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply