Trike driver todas sa suntok ng kainuman

HINDI akalain ng isang pedicab driver na mapapatay niya sa sunotk ang 27-anyos na kapwa tsuper, matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo habang nag-iinuman, Martes ng umaga sa Tondo, Manila.

Kinilala ang biktimang si Cesar Pulma, ng 149 L. Lupa St., Maypajo Caloocan City, habang mabilis namang tumakas ang suspek na si Renato Camacho, nasa hustong gulang; tubong San Carlos Pangasinan at walang tiyak na tirahan sa lungsod.

Batay sa report na ipinarating ni Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 8:45 ng umaga, habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa panulukan ng Alvarado at Reina Regente sa Abad Santos sa Tondo, nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Dito na sila nagkasuntukan hanggang sa masuntok ang biktima sa ilong na kung saan ay bumagsak ito at nawalan ng malay tao.

Mabilis namang isinugod Si Pulma sa Mother & Child Hospital sa Binondo, subalit hindi na rin naisalba ng mga manggagamot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply