Tropang PNoy, pinakilos na sa positibong pagbabago

MAGANDA at napapanahon ang pagpapalabas ni Pang. Noynoy Aquino ng P7 bilyong pondo para sa konstruksyon at pagkumpuni ng 8,997 silid aralan na inaasahang magagamit ng 404,865 mag-aaral sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Kasabay nito ay naghanda na rin ang Department of Social Welfare and Development ng P32.41 milyong halaga ng relief supplies para tulungan ang mga biktima ng bagyong Bebeng.

Ang mga hakbangin ng gobyerno ay masasalamin kung paano pinahahalagahan at gaano kasensitibo ang gobyernong Aquino sa kalagayan ng ating mga kababayan, lalong lalo na ang nasa evacuation centers sa mga binagyong lugar.

Sinabi ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Sec. Sonny Coloma na tinututukan  ng pamahalaan ang mga pangunahing programa sa kabila ng mga malalaking hamon.

Sa ilalim ng Philippine Development Plan, nais ni PNoy na maglaan ang bawat departamento ng salapi para agarang madetermina at mabantayan ang performance ng bawat ahensiya.

Ang importante ay ang agarang makita ng gobyerno kung paano nagtatrabaho ang mga Gabinete sa paggugol ng pondo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko.

TONG COLLECTION SA TUWID NA DAAN

Isang pulis alyas Nonong Bermudo ang umanoy moneybag/collector ni NCR-CIDG Superintendent Jigs Coronel na nagsisimula nang mangolekta sa vices sa Metro Manila gaya ng mga iligal na pasugalan, club, casa at  iba pang kailigalan.

Ang NCR-CIDG ay hinati ni Bermudo ang mga tong-collector nito sa 5 district na siyang mga mangangasiwa sa tong collection sa mga pasugalan, club, casa at iba pang mga ka-iligalan. (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply