Truck, trike nagkarambola: 2 patay

DALAWA ang namatay habang 10 iba pa ang malubhang nasugatan nang magsalpukan ang isang ten wheeler truck at tricycle sa crossing ng Pacol, Villadolid, Negros Occidental sa ulat ng pulisya.

Sa ulat na nakarating sa PNP Central Operation Command, kinilala ang mga namatay na sina Romualdo Llanos ng San Enrique, Negros Occidental at ang 10-anyos na bata na si Peter Luis Rivera, pawang ng bayan ng Valladolid.

Ayon kay PO3 Jolito Ibanda, sakay ng tricycle ang mga biktima galing sa isang lamay nang nawalan ng preno ang truck na minamaneho ni Jomarie Avila Chavez, 19, at sumalpok sa sinasakyan ng mga biktima.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang sumukong driver ng truck.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply