True confession ni Aiko sa madlang pipol

MAY punto at may sense ang mga pahayag ni Aiko Melendez sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa “The Buzz” kamakailan nang itanggi ng aktres na may kinalaman siya sa umano’y paninira sa dating kasintahang alkalde ng Bulacan, Bulacan.

Unang-una, tama si Aiko na kasiraan niya rin ‘yon kung lalabas sa balita na ipinagpalit siya ng ex-boyfriend sa isang lalaki.

“Hindi po ba kasiraan din sa akin ‘yun at ako’y may dalawang anak, na pag-usapan ng ganoong kasiraan? Sana naisip ni Patrick, this could be politically-motivated also. At hindi ba niya naisip na baka nagamit lang ako ng kalaban niya sa politika ngayong hiwalay na kami?” esplika ni Aiko.

Isa pa, alam daw ni Mayor Patrick ang kanyang password at email address sa Twitter account niya. Kaya malabo niyang gawin ‘yun dahil posibleng makita nga naman ito ni mayor.

Ikatlo, dahil 140 characters lang ang kayang i-type sa Twitter, mas mahirap ito at hindi praktikal. Puwede namang mag-usap sina Aiko at kung sino man ng personal, bakit kailangan pang idaan sa Twitter o Facebook na puwedeng ma-hack at maging ebidensiya pa sakaling may balak nga silang masama kung kanino man?

“Ang sabi nila, nagpakalat daw kami ng email. ‘Yung parang siraan si Patrick. Ang pinagseselosan ko po noon ay babae. Bakit ngayon, parang iniisyu, lalaki na?

“Noong iabot pa lang sa kanya ang envelope (sa panayam dito  sa “Paparazzi”), in two seconds, hindi pa niya nababasa or naba-browse yung content niyon, sinabi na niya na isu-sue niya ako.

“Nasaan iyong tatlong taon na pinagsamahan po namin? Parang nabale-wala, itinapon lang niya sa bintana? Naniwala siya sa isang bagay na wala man lang siyang basehan,” may himig na panghihinayang na saad pa ng actress/politician.

Sa bandang huli, itinanggi ni Aiko ang lahat ng paratang sa kanya at diretsahan niyang sinabi na hindi siya naniniwalang gay ang ex-boyfriend.

“Mata sa mata po, puso sa puso, dine-deny ko po iyan. Dahil ako, that’s not how I play my games.

“No! Now, it’s coming from my mouth, no. I never doubted his gender, no,” ayon pa kay Aiko.

Sinabi rin ni Aiko na hindi niya isinasara ang pintuan sa muli nilang pagiging magkaibigan ni Mayor Patrick.

“I hope so, let’s just hope and pray. I know God is listening to me right now. I just hope and pray that Patrick would think and would be enlightened, na sa tatlong taon namin at kalahati na nagsama, kilala niya ang pagkatao ko.” Nonie V. Nicasio

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply