Tsinay binigti hanggang mautas ng gapos gang

PATAY na nang makita ang isang Tsinay na nakagapos ang mga kamay sa loob ng kanilang bahay na hinihinalang pinagnakawan muna ng hindi nakilalang mga salarin bago inutas sa Valenzuela City Sabado ng gabi, Mayo 7, 2011.

Wala naman nakitang sugat sa katawan ni Rosita Reducio-Ong, 60, ng F. Lazaro st., Canumay West, nasabing lungsod.

Sa pahayag ng asawa ng biktima na si Joseph Sy, galing siya sa Apalit, Pampanga at dakong alas-6:30 na ng gabi nang siya ay nakauwi.

Ilang beses niyang tinatawag ang asawa subalit walang sumasagot  dahilan upang tawagan sa cellphone subalit nakapatay naman ang cellphone ng biktima.

Dahil dito, umikot sa likod ng bahay si Sy at dinistrungka ang bintana hanggang sa makapasok subalit laking gulat nang makita ang asawa na nakabulagta, nakagapos ang mga kamay at napupuluputan ng garter ang leeg.

Nang malaman na wala nang buhay ang biktima ay humingi ng tulong sa kaibigan si Sy at tumawag sa mga pulis.

Nawawala ang cellphone at laptop ng biktima kung saan inaalam na kung ano ang ikinamatay ni Ong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply