Tsinay hinoldap na binaril pa sa kamay

SUGATAN ang isang Tsinay matapos barilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper nang tumanggi ito na ibigay ang pera sa Valenzuela City Biyernes ng hapon, Mayo 6.

Ginagamot sa Fatima Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kanang kamay si Nita Chua, 39, negosyante ng Lawang Bato ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon, nag-withdraw ng P50,000 ang biktima sa East West Bank at habang binabaybay ang Victoria Village, Canumay East ng lungsod sakay ng Nissan Patrol ay pinutukan ng mga suspek sakay ng isang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Dahil dito, napahinto ang bitkima at agad na nilapitan ng mga suspek at pinabuksan ang pinto ng Patrol bago sapilitan kinukuha ang bag na pinaglagyan ng pera.

Tumangging ibigay ng biktima ang pera na naging dahilan upang putukan sa kamay ng isa sa mga suspek bago kinuha ang bag at tumakas.

Ilang nakasaksi ang nagdala sa biktima sa FMC. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente. Rene Manahan

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply