Tsinoy, Bumbay hinoldap, pinukpok

PINAGPUPUKPOK ng baril saka hinoldap ng tatlong kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo ang isang Tsinoy at isang Bumbay sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila, Huwebes ng hapon.

Nagpakilala lamang sa pangalan na Mark ang Tsinoy samantalang Rosh ang Bumbay na nagtamo ng mga bukol at sugat sa kanilang mga mukha dahil sa pagpukpok sa kanila ng mga baril.

Makaraang limasin ang P10,000 cash at wallet ng mga biktima at kunin ang susi ng  sasakyan na may plakang MSG 08, mabilis na humarurot palayo ang mga salarin sakay ng dalawang motorsiklo patungong City Hall ng Maynila.

Naganap ang pangyayari dakong 1:45 ng hapon sa harapan ng National Press Club sa nasabing lugar habang nakaparada ang mga biktima at papunta sana sa Bureau of Immigration na matatagpuan din sa nasabing lugar.

Hindi na nadatnan ng mga pulis na sina PO2 Leonidez Gonzales at PO2 Ricar Magora ang mga salarin at inalalayan na lamang ng mga ito ang mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply