Tulad ni Lyka Soledad, Triz Reyes na-frozen delight, nagrebelde sa Viva

NITONG nakaraang linggo ay dalawang singers ang napabalitang nag-bolt out sa kani-kanilang mga manager. Una, si Lyka Soledad na dating hawak ng pamosong manager na si Lito De Guzman. Idinemanda na ni De Guzman si Lyka at ang demand ng una ay i-buy out na lang ni Lyka ang kanyang kontrata.

Pangalawa, si Triz Reyes na nakaisang taon na sa Viva at lately ay nagpa-release na lang sa naturang kumpanya kung saan nakapag-record siya ng kanyang debut album. Walang demandahan blues na naganap. Nagpaalaman with civility.

Now wonder,  nagkaroon ng sort of relaunching ang dating Viva recording artist na si Triz Reyes, 17 years old, ng kanyang CD na ginawa pa sa Italya na pinamagatang “Isang Simpleng Kanta” na siya ring carrier ng naturang CD.

Ang “Isang Simpleng Kanta” ay kinompos ng kilalang si Jimmy Borja na nasa-Nashville, USA na ngayon. Si Jimmy ang nag-kompos ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin”  na inawit ni Lani Misalucha, “Sana Ngayong Pasko” na inawit ni Ariel Rivera, “Dahil Minahal Mo Ako” na hit song ni Sarah Geronimo, etc.

Si Triz Reyes as isang teenage balikbayan singer na aktibong-aktibo sa artist community sa California kung saan siya lumaki. Nahasa siya sa Los Angeles County High School for the Arts kung saan nag-aral sina Josh Groban, Anna Marie Perez de Tagle kung saan nakasama niya si Demi Lovato sa “Camp Rock” and Corbin Bleue ng “High School Musical” fame.

Naging grand prize winner si Triz sa Pinoy Pop Superstar. Si Christian De Walden, isang Italyano, ang nag-prodyus ng naturang debut album. Si Christian din ang nag-record ng mga hit song nila Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go at Claire dela Fuente.

Sa kanyang mini-concert na isinagawa sa isang exclusive restobar sa Sapphire Warehouse, Parañaque kinanta ni Triz ang “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” at manghang-mangha ang lahat sa ganda at kakaiba ng timbre ng boses ng dalagita na pam-beauty queen materyal pa ang hitsura, bagkus pwede pang mag-artista dahil hasa siya sa acting experience abroad. Locally, nakapag-workshop na rin siya on acting and dance sa Star Magic ng ABS-CBN at nakapag-aral din ng voice under Ryan Cayabyab.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply