Tulak inginuso ng mga kalugar, kalaboso

SA KULUNGAN bumagsak ang isang lalaking pusher matapos na inguso ito sa pulisay ng kanyang mga kalugarsa Malabon City, Huwebes ng hapon, Mayo 5.

Ang suspek ay nakilalang si Jover Rivera, 34 ng Bayan-bayanan ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, dakong 4:30 ng hapon nang dakpin ng mga pulis ang suspek habang papalabas ito ng kanilang tahanan. Nakuha sa kanya ang 140 sachet ng marijuana na nagkakahalaga ng P10,000.

Nadakip si Rivera nang makatanggap ang pulisya ng impormasyon hinggil sa pagtutulak nito ng iligal na droga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply