Tuloy na ang ARMM polls

SA AYAW man o sa gusto ng Malakanyang mukhang tuloy na ang eleksyon sa ARMM.

Kahit na sinasabi ng Palasyo na dapat i-postpone ang halalan doon, nagkukumahog naman ang mga alyado ng Malakanyang na mag-lobby para sa suporta ni Pangulong Aquino sa kung sinumang kandidato.

Lalong makakalbo ang pangulo sa ugali ng maraming oportunista na nakapaligid sa kanya. Kaliwa’t kanan kasi ang nakikiusap sa Pangulo na tulungan si “Candidate A o si candidate B.”

Subalit mukhang meron nang napusoan si Aquino, ayon sa mga malalapit sa kanya na barkada.

Dahil sa dami raw ng nangungulit kay P-Noy nagsalita na raw siya na tama na ang balyahan at pag-uusap ng iba’t ibang kampo. Meron na raw siyang kandidato na pinaniniwalaan niyang puwedeng magdala ng pagbabago sa ARMM.

Dalawa ang nakikita nating puwedeng pumasa kay Pangulong Aquino: Si Pax Mangudadatu at si Mujiv Hataman. Parehong nag-file na ng “certificate of candidacy” para sa pagka-gubernador ang dalawa.

Si Mangudadatu ay beterano na sa larangan ng pulitika at kamag-anak ni Maguindanao Gov. Toto Mangudadatu. Kahit na sa Sultan Kudarat naging pulitiko si Mangudadatu, taga-Maguindanao naman ang umano’y pambato ng partidong PDP-Laban ni Bise Presidente Jejomar Binay.

Si Hataman naman ay taga-Basilan at kaibigan ng maraming personalidad sa administrasyong Aquino. Tumakbo si Hataman bilang gubernador ng kanyang probinsya noong 2010 sa ilalim ng partido Liberal ni Mar Roxas. Ka-text mate pa yata ni P-Noy at Mar si Hataman.

Kaya naman gumana ang utak ng mga makukulit ang isipan. Hindi ba magiging “proxy war” ang eleksyon sa ARMM ng mga kampi ni Binay at Mar. Kung mangyayari iyon baka magiging talunan lamang ang mga manok ng administrasyon sa darating na Agosto.

Saganang atin, kailangan linawin ng administrasyon kung sino ba talaga ang napupusoan niton kandidato. Dapat na nilang itodo ang suporta sa kanilang manok. Narinig natin na mukhang naghihintay pa ang LP ng maperang kandidato na susuportahan para di na gagasta ang partido.

Mukhang malabo yata ang ganon. Ang partido dapat ang tutulong sa kandidato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply