Tutulog-tulog na MMDA lagot sa HPG

BUKOD sa pagbabantay sa mga pasaway na motorista na humaharurot sa 12.4 kph kms. stretch ng tinaguriang killer highway, tungkulin rin ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) na  guwardiyahan ang tutulog-tulog na mga operatiba ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Undersecretary Alex Cabanilla, 10 HPG units ang itinalaga sa Commonwealth  Avenue katuwang ang nauna nang itinalagang mga operatiba.

Aminado naman ang opisyal na mayroong ilan sa kanilang mga tauhang naka-duty sa gabi ang nakakatulog bunsod na rin ng matinding pagod sa trabaho.

Samantala, bukod sa mga tutulog-tulog na traffic enforcers, ilan sa mga MMDA personnel ang hindi na rin umano nakikita sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, kapag tirik na ang araw.

Matatandaang kinuha ang PNP-HPG sa Commonwealth Avenue para katuwangin ng MMDA, Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (MMDA-LTO-LTFRB) na manghuli ng mga motorista na lumalagpas sa 60kph na nagreresulta ng aksidente sa lansangan.

Kaugnay nito, umabot na sa 180 na pasaway na mga motorista ang nahuli ng mga nagpapatrolya sa naturang killer highway.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply