Barako Bull binigyan ng ultimatum ng PBA

ISANG ultimatum ang ipinalabas ng pamunuuan ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Barako Bull Energy Boosters kaugnay ng deadline ng paglahok nila sa darating na PBA Commissioner’s Cup na nakatakdang magsimula sa susunod na buwan.

Itinakda ang deadline ng pagsagot ng Red Bull Management sa Biyernes, Mayo 27, 2011 batay sa pahayag ni Commissioner Chito Salud.

Mawawala sa Barako franchise ni team owner George Chua ang karapatang makabilang sa 2011 Rookie Draft, kapag hindi nagbalik sa aktibong kumpetisyon o dili kaya ay hindi makakuha ng buyer o transferee na tangggap sa pagsang-ayon ng Board of Governors.

Noong una ay tinangka ng Barako Bull na ibenta ang kanilang prangkisa sa Phoenix Petroleum subalit sinansala ng Board of Governors ang transaksyon dulot ng kabiguang makakuha ng botong 2/3 mula sa mga miyembro ng board.

Samantala, sa pamamagitan ng abogado ni team owner Chua na si Atty. Manuel Mendoza ay nilinaw niya interesado na muling makabalik sa active status ang team kaya’t humihingi siya ng sampung (10) araw na palugit bago opisyal na magbigay ng pahayag ukol sa kanilang magiging desisyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply