Universal Guiding Star papatawan ng preventive suspension

PAPATAWAN ng perventive suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Universal Guiding Star Bus Line, ang kumpanya ng bus na nakabangga sa taksing sinasakyan ng beteranang journalist na si Lourdes ‘Chit’ Estella-Simbulan noong Biyernes, Mayo 13, na dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon kay Atty. Manuel Iway, board member ng LTFRB, ilalabas nila bukas, Lunes, Mayo 16, ang 30-day preventive suspension order laban sa bus company bilang bahagi ng kanilang safety operating procedure kapag may bus na nasasangkot sa aksidente at namamatay ang biktima.

Aniya, kanila ring pagpapaliwanagin ang operator ng bus kung bakit hindi dapat na bawiin ng LTFRB ang kanilang certificate of public convenience dahil sa naturang aksidente.

Sinabi rin ni Iway na dapat na muling isailalim sa pagsasanay ang mga bus driver ng naturang bus company.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply