Unli service sa merging ng Digitel-PLDT lalakas

MAGIGING malakas at ipagpapatuloy ang paggamit ng unlimited calls at text messages ng Sun Cellular nang makuha ang share of stocks nito ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) mula sa Digital Telecommunications Incorporated (Digitel) na may-ari ng Sun Cellular.

Ito ang tiniyak ni Atty. Ray Espinosa, director at Head ng Regulatory Franchising of PLDT sa pagdinig kahapon ng Senate committee on public services.

Kasabay nito, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi na kailangan ang  congressional approval sa nabanggit na bilihan lalo pa’t malinaw naman ang pahayag ng PLDT na hindi madedehado ang mga consumer nito.

Ayon kay Enrile, isang share-swap ang namagitan o pagkontrol sa share of stocks ng Digitel at di pagbili ng ownership ng Sun Cellular, kaya’t  ‘di na rin kailangan ang congressional approval.

“There is no need for approval of Congress about the merger of Sun Digitel and PLDT because the  Congress itself that gives license to telecoms franchise, allowed the Digitel to sell the controlling interests of the succeeding company, like the PLDT-Smart,”  ayon kay Enrile.

Pinaliwanag ni Espinosa na saklaw na ng unli call at text ng sun cellular ang Luzon, Visayas at Mindanao dahil magagamit na nito ang mga makabagong pasilidad ng PLDT.
“Kaya sa PLDT, tuloy-tuloy po and unli. At ito ay magiging mas malakas at mas malawak pa sa buong Luzon, Visayas at Mindanao. Mas marami na ang makikinabang sa Sun unli,”  ayon kay Espinosa.

Nilinaw din ni Espinosa na walang paglabag sa batas o sa legislative franchise ang transaksyon dahil ang layunin nito ay mapahusay at mapalakas pa ang serbisyo sa publiko.

Isinagawa ang pagdinig batay na rin sa  resolusyon ni Sen. Joker Arroyo na naglalayong  linawin ang magiging epekto nito sa mga consumer.

Kuntento naman si Sen. Ramon Bong Revilla Jr., chairman ng nabanggit na komite, sa pagdinig at ipinaliwanag nito na batay sa mga pahayag ni Espinosa, walang magiging pagbabago sa serbisyo ng Sun Cellular.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply