Unlitext, calls ng Sun, palalawakin ng PLDT

TINIYAK ng mga opisyal ng Smart Communications at Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) na palalawakin ng kompanya ang unlimited services, tulad ng unli-texts at unli-calls, ng Sun Cellular sakaling matuloy ang kasunduan sa Digitel Mobile, Inc.

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senate committee on public services, sinabi ni Reynaldo Espinosa, presidente ng Smart Telecoms, na kapag natuloy ang PLDT-Sun merger, mas lalawak ang coverage ng unlimited services ng kompanya.

“The objective of the Smart and Digitel merger is to continue the promo of unlimited text and unlimited calls for the common good of the consuming public,” ayon kay Espinosa.

Iniimbestigahan ng Senado ang nakatakdang swap deal ng PLDT at Digitel base sa isang resolusyon na inihain kamakailan ni Sen. Joker Arroyo na kinuwestiyon ang kasunduan dahil baka makasama sa publiko ang naturang pagsasanib.

“With the monopoly of dominant players, how it will affect the public good or the monopoly prejudices Globe?,” ayon kay Arroyo sa pagdinig.

Ngunit, ayon naman kay Napoleon Nazareno, pangulo ng PLDT, sakaling matuloy ang kasunduan, committed ang Smart na ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng sistema at serbisyo nito na ibinibigay sa publiko.

“Kailangan i-continue namin kasi kapag hindi namin inoffer, somebody has to offer it (unlimited services),” giit ni Nazareno.

Sinabi pa ni Espinosa na kapag natuloy ang kasunduan, maipagpapatuloy ng Sun Cellular ang paghahatid ng unlimited services sa masa na nauna at dati nang ibinibigay ng kompanya.

“With the financial resources of the PLDT, we can expand the service to much wider market in Luzon, Visayas and Mindanao,” paliwanag ni Espinosa.

Aniya, lahat ng network, Smart, Globe at Sun, ay may sari-sariling promo sa unlimited services at sakaling magbigay ng panibagong promo ang partikular na kompanya, mismong subscriber ang gumagamit ng network na maghahatid nang mas mahusay na serbisyo.

“If you don’t have unlimited services, the masa will not go to your network,” giit ni Espinosa.

Tiniyak pa ni Espinosa na sakaling matuloy ang merger ng PLDT at Sun, mawawala na rin umano ang dropped calls sa pagitan ng dalawang network na nararanasan ng subscriber sa ibang network.

“With the combined network, the incident of dropped calls will be eliminated,” patapos ni Espinosa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply