US nilubog ng baha

INABOT ng matinding baha ang central United States matapos umapaw ang ilog ng Mississippi. Umabot sa mga kabahayan at mga taniman ang baha at tinatayang aabot pa ng isang buwan para tuluyang mawala ang tubig at putik sa mga apektadong lugar.

Ayon kay Daryl Hissong, napilitan silang lumikas mula sa kanilang tahanan dahil umaabot na ng hanggang limang talampakan ang tubig sa loob ng bahay.

Ang ibang mga residente naman ay abala sa paglalagay ng mga sand bags para hindi mapasok ng tubig ang kanilang lugar.

“We’re staying and riding it out, I guess. I didn’t have any water until just a few minutes ago,” ayon sa isang residenteng si Dawn Watkins.

Ang Mississippi river ay may sukat na kalahating milya ang lapad subalit ngayon ay umabot na umano ito ng hanggang tatlong milya.

Ang naturang lugar ay pinakamatinding binaha taong 1937 subalit ngayon umano ay pwede nitong malampasan ang pinsala noong 1937 flooding dahil sa lawak ng naaabot nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply