US$20M aid sa PH madidiskaril

HINDI malayong maglaho ayon sa isang senador ang US$20 milyon ayuda ng Estados Unidos (Washington) sa Pilipinas kada taon kung patuloy na nagiging inutil ang administrasyon sa pagsugpo sa money laundering mula sa drug money.

Ayon kay Sen. Manny Villar,  chairman ng Senate committee on economic affairs, magaganap ito matapos mapabilang ang Pilipinas sa 2011 International Narcotics Control Strategy Report (INCSR) na patuloy na pinapadaloy ang drug money sa mga financial institution sa bansa.

Aniya, kung hindi aamyendahan ang Anti-Money Laundering Act upang mahigpitan ang pagpasok ng drug money sa bansa, hindi malayong putulin ng US ang pagbibigay ng financial aid sa Pilipinas.

“This US aid is in danger of being cutback or withheld as the US can impose restrictions on these aids in order to pressure the recipient country, in this case the Philippines, to improve performance on a specific area,”paliwanag ni Villar.

Dagdag pa ng senador: “In fact, the US State Department, reveals that US foreign aid may not be provided to any country shown to have failed to adhere to certain US measures, unless the US President determines that provision of such aid was vital to US national interests, that the country concerned has made a substantial effort to comply with the counternarcotics conditions in US legislation.”

Mula 2005 hanggang 2009, umaabot sa US$99 milyon ang naibigay na tulong ng US. Ang bansang ito ang may pinakamalaking tulong na naibibigay sa bansa kasunod ang Japan.

Tinukoy din ng INCSR ang problema ng Pilipinas sa law enforcement resources, mabagal na pag-usad ng judicial at investigative reforms at kakulangan ng law enforcement inter-agency cooperation, kung kaya’t patuloy na namamayagpag ang drug trafficking sa bansa.

Sinabi ni Villar, nakapanghihinayang kung mawawala ang tulong ng US sa bansa. Aniya, posibleng magkaroon ng malaking epekto ito sa ekonomiya ng bansa.

“The foreign aid is important in the Philippine economy as it helps fund projects aimed at economic development and uplifting the standard of living of the poorest of the poor,”giit ni Villar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply