Usapan sa P15B LRT/MRT operations-maintenance

O NAGSIMULA na ang pagpapatupad ng Public-Private Partnership.

Umarangkada ito sa pamamagitan ng pagpapasubasta ng operations and maintenance ng Light Railway Transit at Metro Rail Transit sa Metro Manila.

Malaking halaga ang sangkot dito dahil umaabot sa P15 bilyon.

Magkano?

Yan ang tanong ng ating uzi. Sa Hulyo 11, 2011 pa kasi magkakaroon ng pasubasta at kasalukuyang kuhanan ng mga papeles para sa aplikasyon ang mga araw na ito, pero may nagaganap na umanong walisan sa mga aplikante.

May mga nire-reject na umano pagsungaw pa lang ng mukha ng mga ito sa pasubastahan. Mayroon namang kaagad tinatanggap.

Katwiran ng mga namamahala riyan, kinakapa nila nang malalim ang mga bulsa nang may bulsa, este, may kakayanan talaga na mag-operate at mag-maintain ng LRT-MRT para sa apat na taon at renewable ng isang taon.

Yung mga saling-pusa raw ay agad na nire-reject.

Pero sino-sino ba ang mga saling pusa at ang mga may kakayanan?

Paliwanag ng mga nagpapasubasta, mas mabuti umanong ipahawak sa pribado ang operasyon at mantinansiya ng mga tren dahil mas magaling sila kaysa sa mga taga-gobyerno. Hindi kaya saliwa yan at masyadong minamaliit ng gobyerno ang sarili nito?

Kung gobyerno umano ang humawak sa mga ito, malamang umanong parehong halaga lang ang magagastos nito. Kaya naisipan nilang ipahawak na lang umano ito sa mga pribadong kompanya.

Ganun lang?

Tutal ang koleksyon naman umano ay hahawakan ng gobyerno at dito na rin manggagaling ang ipambabayad sa mga kontraktor.

Isa pa, baka maremedyuhan daw ng mga pribadong kompanya ang koneksyon ng LRT at MRT para sa ginhawa na rin ng nasa isang milyong mananakay rito araw-araw.

Mayroon lang tayong pagdududa sa basta na lang pagbibitiw ng gobyerno ng ganitong halaga.

Magkano ba talaga?

Isa pa, ganun na ba talaga kainutil ang mga opisyal at tauhan ng gobyerno at hindi pupuwedeng ipagkatiwala sa kanila ang operasyon at mantinansiya ng mga tren?

Senator Ralph Recto, ano ba talaga ang nasa likod ng pamimigay ng P15B sa mga pribadong kompanya?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply