Pagpapaliban ng ARMM polls ‘iprayoridad’ – Serge

NAIS ni Sen. Serge Osmeña III na iprayoridad ng Senado ang pagtalakay sa panukalang batas na nagpapaliban ng eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa Mayo 9.

Ayon kay Osmeña, hindi pa tapos at hindi pa maituturing na patay ang panukalang pagpapaliban ng ARMM elections sa Senado.

Tinatantiya ni Osmeña na maaaring abutin ng isa hanggang dalawang linggo ang debate sa panukalang batas at mabibigyan sila ng pagkakataon na marinig ang magkabilang panig.

Gayunman, aminado rin si Osmeña na mahihirapang lumusot sa Senado ang pagpapaliban ng halalan sa ARMM dahil maraming senador ang tumututol dito.

Maging si Osmeña ay naniniwalang hindi magandang ideya ang pagpapaliban ng ARMM elections sa Agosto at isabay ito sa 2013 elections, kaya nagdadalawang-isip siyang bumoto pabor sa panukalang batas.

Samantala, handa rin si Sen. Juan Miguel Zubiri sa plenary debates na harangin ang pag-apruba sa pagpapaliban ng eleksyon sa nasabing rehiyon.

Iginiit ni Zubiri na iligal ang pagpapaliban ng halalan at pagtatalaga ng OIC sa ARMM government dahil labag ito sa Konstitusyon at sa mismong organic law ng rehiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply